CHAPTER 25 MATAPOS kong ihatid kinabukasan si Divina sa bahay, ay madali rin akong umalis. Nagpaalam ako sa kanya na may importante akong lakad ngayong araw. But, the truth is pupuntahan ko si Luke, at kakausapin ko siya in a good way. Galit man, ay nagpipigil ako. I need to calm down my self. "Where's your boss?" Pormal kong tanong sa sekretarya nito na nasa labas ng opisina. "Your name, sir?" "Viktor Alcantara." Napa-angat ang ulo ng babae. Nagulat siyang nakatingin sa'kin ng makilala niya ako. "Doctor Alcantara?" Tumango ako. Ngumiti ang babaeng kaharap ko at saka ito tumayo sa kanyang kinauupuan. "Ah... Sir, ipapaalam ko muna na nandito ka, just a minute sir." Hindi ko na siya s

