CHAPTER 22 "VIKTOR, iyan na ata ang hinihintay niyo." Agad naman ito bumangon, subalit...bago pa ito umalis ng kama, ay pinisil pa nito ang pwetan ko. Wala naman akong magawa, kundi ang hayaan siya. Hindi na kami naka-pasok sa kanya-kanya naming trabaho dahil sa pangalawang almusal namin. Hubad akong bumangon sa kama, at dumulog sa loob ng banyo. Bago ko pa naisara ang pinto, ay nagsalita si Viktor. "Sumunod ka agad, okay? Sina Livi at Gen na ata iyon." Humabol pa ito ng halik bago tuluyang lumabas ng kwarto. Habang nasa loob ako ng banyo, iniisip ko nalang, pa'nu kung mabutis na ako? Baka maghanap ng iba si Viktor. "Ano ba 'yang iniisip mo, Divina! Masyado ka namang praning sa sarili mo." Sita ko sa sarili. Pinag-masdan ko ang aking katawan sa harap ng malaking salamin. Napap

