SINILIP ko nang pasimple si Viktor. Ayon tulog na ulit. Kasalanan ko ito, eh! Ba't kasi pinasok-pasok ko pa ang aking malikot na kamay sa loob ng boxer nito, tuloy stranded ang nangyari. "Viktor?" Mahinang tawag ko sa kanya. "Naman eh!" Para tuloy akong naging bata na nagmamakaawa na alisin ang kamay sa loob. Naughty Divina. Maya-maya ay gumalaw siya at yumakap sakin. Dahan-dahang dumilat ang nagpupungay nitong mata. Ba't ang guwapo? "Hindi na ako uulit." Napa-labi kong sabi sa kanya. Hinalikan niya ako sa ilong. "Sa susunod h'wag mong gisingin ang alaga kong tulog. Ngayon anong gagawin natin diyan? Nag-aamok na siya." Isa lang naman ang pumapasok sa isip ko ngayon. Napa-titig ako sa kanya. "Ako na magdadala." Napa-labi ako at parang gusto kong mahiya sa aking sinabi. Ako a

