Chapter Fifteen -Khen- Nang malaman kong may Anak kami ni Camille halos hindi ako makaalis sa kinauupuan ko. Nag-uusap pa kami ni Lola ng biglang magdatingan ang mga Uncle ko halos lahat ay nandito sa bahay ni Lola. "Mommy, have you told him the truth?" Pagtatanong ni Uncle Jax kay Lola. Napatango naman ito kay Uncle at muli akong tinignan nito. "So you all know about my children and Camille.?" Takang tanong ko sa mga ito. "Yes, Apo mula ng malaman ko ang tungkol kay Camille ay nagtulong-tulong kami para mahanap siya at nang maging maayos ka na. Ayokong makita kitang nasasaktan kaya ginawa ko ang lahat para mahanap lang siya. At ngayon ay nagtatrabaho siya sa restaurant mo bilang isa sa mga cook mo." Mahabang paliwanag ni Lola sakin, na lalo kong ikinakunot nang noo. Hindi ko alam

