Alexandrite's Pov "Music video po? Kaninong music video?" Bumukas ang pinto ng opisina ni Ms. Stormie at iniluwa non si Ellipsis kasama ang pamilyar na lalaki. Ms. Stormie smiled immediately and stood up to welcome them. Kung sa 'kin ay tanging shake hands lang ang ginagawad ni Ms. Stormie kapag nagkikita kami, kay Elli at Risque ay bumeso pa 'to. Ang daya, is that favouritism? Pero charot-charot lang. Base na rin sa mga nasasagap kong bulong-bulungan ay close ata talaga ang mga Montefiore kay Ms. Stormie. Sana lahat 'di ba close. Pagkatapos nilang magbatian na tatlo ay bumaling sa 'kin si Ms. Storm. Tumayo ako at bahagya na lang tinungo ang aking ulo saka ngumiti sa kambal na Montefiore. "His." Itinuro nito si Risque na kaswal na naupo sa couch na nakalagay sa gitna nitong opi

