Third Person's Pov "Gagawin mo 'yon para sa 'kin?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa mga narinig niya roon sa recording studio. Idagdag mo pang tinawag siyang wifey ni Primo, para na 'tong mamatay sa sobrang kilig ngayon. Nang hindi magsalita si Primo para tumugon ay napanguso na lang 'to. Bumukas na lahat-lahat ang elevator at nasa parking lot sa may basement na sila sa building ng SMA ay hindi pa rin sinasagot ni Primo ang tanong nito. Pasimple niya 'tong tiningnan mula sa gilid ng kaniyang mata sapagkat sabay at magkatabil silang naglalakad papunta sa sasakyan ng binata. "Hindi ba't busy ka?" Alexandrite asked. Nang marating na nila ang tapat ng sasakyan ng binata ay himilang pinagbuksan s'ya nito ng pinto ng shotgun. It's another small gesture from Primo

