Alexandrite's Pov Marami at halos kumpleto na ata ang mga katulad ko na magti-take rin ng entrance exam pagkapasok ko sa examination hall. Ang iba sa kanila ay kaedaran ko lang pero mayroon din naman na mas matanda sa 'kin ng ilang taon. "Hindi ba't siya 'yong bagong model sa bill board ng SMA?" bulong ng isang babae sa kasama nito nang madaanan ko sila habang tinatahak ko ang daan papunta sa huling hilera ng mga upuan, 'yon na lang kasi ang natitirang bakante. They don't look friendly at all. Lahat sila ay seryoso at makikitaan talaga ng determinasyon at sa totoo lang ay parang hindi nga ata ako bagay sa lugar na 'to. Isa pa, bukod kay Primo ay wala talaga akong ibang kilala rito. I just hope that I'll be able to make new friends. "May naka-upo na ba rito?" Nakangiting tanon

