Alex's Pov "Good morning po, Tita Nerie sorry po at tinanghali ako ng gising ngayon. M-medyo napuyat po kasi ako kagabi." Nahihiyang sinabi ko sa kaniya nang maabutan ko 'tong naghahain na. Masiyadong akong naexcite nang malaman kong sasamahan ako ni Primo ngayon na bumalik sa SMA at hindi na 'ko pinakalma ng sarili kong kilig kung kaya't nahirapan ako ng slight na makatulog. "Ayos lang naman sanay naman akong gawin 'tong mag-isa atsaka maiintindihan ko naman kung tanghaliin ka nang gising ngayon kasi 'di ba kagabi." She paused talking for a moment. Kinuha niya ang mga pancake mula sa may counter at dinala na rin 'yon sa hapag kainan. Pasimple akong kinindatan ni Tita Nerie nang magtama ang mata naming dalawa. Okay... that's weird. Hindi kaya gusto ako ni Tita Nerie? Pinilig

