Alexandrite's Pov
"Good morning po, Tita Nerie." I flickered a small smile before I sashayed toward the kitchen's counter and help her. Suot ang kulay pink niyang apron, hindi ko maiwasang hindi mapangiti at kahit papaano ay humanga na rin. Ang cute n'ya lang kasing tingnan. Ang kikay.
"Good morning din, Alex." Nakangising tumingin ito sa 'kin habang nagbabati ng mga itlog sa isang silver bowl. "Ang aga mo atang magising," puna n'ya.
I placed strands of my hair at the back of my ear.
Sige, Alex magpabebe ka lang tutal si Tita Nerie lang naman ang nakakaappreciate ng cuteness mo sa bahay na 'to mas'yado kasing mapanlait si Khalil at si crushy/future husband and future daddy of my future cute babies ay snob lang sa ganda ko.
Ipinatong n'ya ang binating itlog sa ibabaw ng counter at ang mga bacon naman ang sinimulan niyang asikasuhin. Mabilis na lumipad papunta sa kabuan ng kanilang kusina ang aking paningin. Ngayon ko lang napansin na mukhang wala ata silang kasamang kasambahay o kung hindi naman ay baka tulog pa ang mga 'yon.
I glance at my wrist watch and saw that it's almost six in the morning. Kung may kasambahay sila impossible naman na tulog pa sila ng ganitong oras. Iyong nag-iisang katulong kasi namin sa probinsya alas-kwatro pa lang ay gising na at nagluluto na.
"Tutulungan na po kita," prisinta ko. Tumango lamang siya sa 'kin at lumayo nang kaonti mula sa gas stove. "Ikaw na lang ang mag-prito ng bacon," she said. She then handed me the spatula that I accepted whole-heartedly.
Excited kong pinasadahan ng tingin ang gas stove kung saan nakasalang ang teflon na may mga nakasalang ng bacon. Nakita ko si Tita Nerie na lumapit sa ref at naglabas ng ilang ingredients.
"Gagawan ko pa kasi ng sandwich si Khalil. Isang linggo pa bago ang summer vacation n'ya." Pagpapatuloy n'ya habang nakaharap sa refrigerator at kinukuha ang mga ingredients na kailangan para sa sandwich.
Base sa dami ng mga glassware na inilabas n'ya mula sa ref, mukhang hindi basta-bastang sandwich na pinalaman lang kung anong spread ang pinapapabaon nito kay Khalil.
Malakas akong napahiyaw at awtomatik na napaatras nang bigla na lamang tumalamsik ang mantika galing sa 'king niluluto.
Dali-daling isinara ni Tita Nerie ang ref at hinakbang ang pagitan naming dalawa.
"Sigurado ka ba na kaya mo, Alex?" Mahihimigan ang sobrang pag-aalala sa tono nang pananalita ni Tita Nerie nang itanong n'ya 'yon sa 'kin. Bahagya ko 'tong tiningnan at pinalitan ng isang pang-tupang ngisi ang pagngiwi na mabilis na bumalatay sa 'kin dahil sa mantikang 'yon.
Pati ba naman mantika nanakit na. Sabihin n'yo nga sa 'kin masaya bang saktan ako?
"Opo. Nagulat lang ako." I chuckled. Far from those cute sounds that I get to hear from someone else when they're doing that thing. Hindi ko alam pero tunog tawa ng kambing 'yon—tawa ng kambing na malapit ng mamatay!
Mas lalong lumapad ang ngiti nito. I feel so attached with my future mother in law. Ang gaan n'ya lang kasing kasama at parang gustong-gusto n'ya talaga ako.
Ito na ang unang hakbang para mapakasalan ko si Primo, ang maging close ko ng sobra ang butihin nitong Mama. Si Tita ang susi para magustuhan n'ya na rin ako, mahalin at pakasalan.
I closed my eyes and began imagining things on my own. Hindi ko na mahintay ang pagdating ng araw na 'yon.
"Nasusunog na ang niluluto mo." Ang boses na 'yon napaka-sexy ng boses na 'yon at nakakaakit. Ang lakas makarupok.
"Alex!" saka lang ako natauhan nang marinig ang mababang boses ni Primo na nababalot na ng inis ngayon, sa sobrang gulat ko na nasa harapan ko na s'ya ay napaatras ako at kamuntikan na sanang madikit sa teflon.
Primo's eyes widen. There was a hint of admonishment on his eyes when he grab my arm and pull me away from the teflon.
Maagap na pinatay nito ang induction cooker dahil umuusok na rin ang teflon at halos nabalot na non ang kabuan ng kusina dala nang pagkasunog ng mga bacon na nakasalang.
Mukha na 'yong maninipis na hiwa ng uling ngayon.
Tita Nerie stride to me hastily and checked my arms. Nang makita nito na hindi naman ako napaso ay saka pa lamang s'ya nakampante.
Primitivo sighed that captured my attention. He is shaking his head out of disappointment when he pulled a chair for himself and seat on it nonchalantly.
"Why on Earth a woman like you exist? Someone like you is a bane on the human species," he murmured and glance at me gelidly.
I guzzled my own saliva ang redeemed my composure. Kung lagi akong papalpak ng gan'to sa t'wing magkakaharap kami ni Primo a.k.a Mr. Perfect ng Imperial College School of Medicine. Isang daang taon pa ata ang kailangang lumipas para magustuhan n'ya 'ko.
Marahan na ipinatong ni Tita Nerie sa 'king balikat ang dalawa niyang kamay at hinaplos 'yon.
She proffer me a warm and comforting smile.
"Kuya naman. Don't be so hard on her." Lumapit ito kay Primo at hinawi ng bahagya ang dyaryo na binabasa ng kaniyang anak.
His cold stares didn't fade though it's his mother that he's looking at now.
"Woman like Alex exist to tame a cold-hearted person like you."
Umayos nang tayo si Tita Nerie at bumalik na lamang sa ginagawa niyang paghahanda ng sandwich para kay Khalil ng hindi s'ya pansinin ni Primo at ipinagpatuloy lang ang ginagawa niyang pagbabasa ng dyaryo.
If he's that cold, then I need to be warmer to melt his frozen heart. Kaonti na lang at kakantahan ko na rin s'ya ng Do you wanna build a snowman.
"May plano ka bang gawin ngayon, Alex?" Tita Nerie asked suddenly. Hinarap ko kaagad ang direksyon nito matapos kong maipatong sa tapat ni Primo ang french toast na ayon kay Tita Nerie, ang nag-iisang pagkain na pinapansin ng aking future husband t'wing umagahan.
French toast for breakfast, noted.
Excited na 'kong malaman pa ang iba't ibang bagay tungkol kay Primo!
"Ano p-po... pupunta ako ng SMA para pumirma ng kontrata sa kanila ta's wala naman na 'kong ibang gagawin," I said and took a seat right in front of my cold-hearted prince charming.
"SMA? SMA na Storm Modelling Agency?" I gnawed my lower lip and moved my head shyly in response to her question.
Ang offer na maging exclusive model ako under SMA ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-decide na talaga akong lumuwas ng Manila kahit na parang panibagong mundo ang s'yudad na 'to para sa 'kin.
Maraming nagsasabi sa 'kin na maganda raw ako kaya naman hindi ko alam kung bakit sinabi ni Khalil sa 'kin na hindi raw ako maganda. Ang sama ng ugali n'ya, if I know hindi n'ya lang alam ang basehan para matawag na maganda ang isang babae kasi mukhang puro libro lang ang inaatupag n'ya—nilang magkapatid.
"Gano'n ba?" muli akong tumango. Tatalikod na sana 'to sa 'min nang bigla ulit siyang humarap na animo'y may bigla siyang naalalang importanteng bagay.
"Kuya samahan mo na si Alex sa SMA. Marami ring mga lalaking modelo roon hindi ba, Alex?" she directed that question to me. Hindi ko alam kung marami ba talagang lalaking model doon pero sure naman ako na mayroon kaya tumango na lang ako sa kaniya at sumimsim na sa kape.
"Samahan mo si Alex sa SMA para hindi na s'ya pormahan ng ibang lalaki, sa gandang 'yan ni Alex sigurado akong maraming magkakagusto sa kaniya." Nawala ang ngiti ni Tita Nerie at mabilis na sumeryoso ang ekspresyon sa mukha nito kasabay nang pagduro n'ya kay Primo na patuloy lang sa ginawa niyang pagbabasa ng dyaryo at parang wala talagang pakialam sa paligid.
"Sinasabi ko sa 'yo, Primitivo, ikaw rin ang iiyak kapag nakuha na ng iba si Alex."
Padabog na ibinaba ni Primo ang tinupi niyang dyaryo sa ibabaw ng lamesa. He looks fed up when he took a glance of his mother.
"May duty ako sa hospital, Ma." Sabi n'ya at nagsimula nang kumain.
May duty ako sa hospital, Ma. Paulit-ulit na nagplay 'yon sa utak ko hanggang sa may mabuong akong ideya na labis na napagnginig sa 'king kalamnan dulot ng matinding kilig.
"May duty ka sa hospital?" pag-uulit ko na ikinatigil niya sa dapat na pagsubo n'ya sa kinakaing french toast. Annoyance of him intensified.
Ang sungit naman talaga.
"Oo nga."
My lips formed a small smile as my hopes get a little high. "Kung gano'n... k-kung sakaling wala kang duty sa hospital... sasamahan mo 'ko?"
He bore a lazy glare on me and smirked.
"S'yempre... hindi pa rin."