Chapter 1

2172 Words
Snow's POV "Kyyaaaahhhhhhhhhhhh!" Napasigaw na lang ako ng wala sa oras. Nandito ako sa banyo ngayon at nakaharap sa salamin. I was so shocked staring at myself in the mirror. Why is that? My hair just turn into platinum blonde! Oo, platinum blonde! Kagabi brown pa ito eh, at hindi naman ako nagpakulay o kaya naman hindi ako nagsleep walk. "Hey! What was—what the hell?" Nabigla din tanong ni Luna. "What did you do to your hair?" Napatingin ako rito na lukot ang mukha. Like seriously? Sisigaw ba ako kung ako may gawa nito? Hindi naman siya pangit tingnan kaso, biglang nagbago ang kulay ng buhok ko overnight? Baka naman tumatanda na ako? But hindi naman ganito ang kulay ng buhok ng matatanda. "I woke up like this." Reklamo ko kay Luna. Wala akong maisip bakit ganito na ang buhok ko. O baka naman nananaginip lang ako? Hinawakan pa talaga nito ang buhok ko at chineck kung totoo ba. Hinila pa nito kaya naman napaaray ako dahil masakit. Pero pucha hindi ako nananaginip dahil nasaktan ako! "Hell, it is real. How did your hair ended up like that?" Tanong nito at tutok na tutok ang mga mata nito sa buhok ko. "I don't know. I was just practicing my ability lastnight and nothing else. I slept and when I woke up, my hair is already like this." Sagot ko naman rito. Nakakapagtataka lang talaga siya. Tsaka aani na naman ito ng atensyon sa academy dahil syempre brown na buhok ko ang nakasanayan nila. Nagtataka ba kayo kung bakit nandito si Luna? Well ganito lang naman kasi ang nangyari. Mula ng mapabilang ako sa Elites eh inilipat na nila ako sa Elite Dorm. Ayoko nga sana dahil at home na at home na ako sa kwarto namin ni Yuki ay dapat sundin ko daw yung patakaran. Nakakamis lang kasi dahil hindi ko na gaanong makakasama si Yuki. Di tulad ng dati na nakakasawa na to the point yung mukha ng babaeng yun. "Baka dahil effect yan ng power mo." Saad nito sa akin. "Like Violet, since she's the water weilder ay likas na sa family nila ang kulay bughaw na buhok." Yun din ang naisip ko, dahil wala talaga akong ibang maisip bukod doon. Hindi uso dito ang magpakulay ng buhok at tsaka hindi rin ako mahilig nun. Hindi naman pangit ang kulay ng buhok ko para baguhin yun. "Baka nga." Sang-ayon ko na lang din dito. Yung kuwarto ko pala dito sa Elite dorm eh nasa top floor. Ang taas taas buti na lang at special itong dorm nila at may elevator, baka mamatay ako sa kakaakyat panaog dito. Sa baba ko ay kuwarto ni Luna kaya malamang siya lang ang nakarinig sa mala celine dion ko na sigaw. "Teka anong oras na ba?" Tanong nito at tumingin ito sa relo nito. "6am, ang aga pa. Sabay na tayo mag-agahan." Saad nito at tsaka lumabas na ito ng banyo. Naiwan naman akong nakaharap sa salamin at napabuntong hininga na lang. Naligo na lang ako dahil kahit anong gawing titig ko sa salamin ay di mababago ang kulay ng buhok ko at di maibabalik sa dati. ••• Bumaba na ako at kasama ko nga si Luna. Nakasuot pa rin ako ng salamin dahil hindi talaga ako komportable na hindi ito suot. Lagi akong nakakasalo ng mga matatalim na irap ni Violet habang si Jin at Avis naman ay parang namamagnet na ang mga mata sa akin. Nakaka-awkward sa totoo lang, yung feeling na tinitingnan ka ng harap harapan. Pumanhik kami sa dinning area at nadatnan na rin namin ang ibang myembro ng Elite na nakaupo ba rin at tila kami na lang ang hinihintay. Umupo na kami ni Luna sa may bakanteng upuan at tsaka nagsimula na kaming kumain. "What happened to your hair?" Nagtatakang tanong ni Avis habang titig na titig sa buhok ko. "Don't get me wrong. It looks better on you but why?" Napatingin naman ako kay Avis. Nakita ko rin si Jin at Yuan na nakatingin sa akin at halata sa mga mukha nito ang pagtataka kung ano ang nangyare sa buhok ko. "I don't know exactly, but I woke up like this. They are already platinum blonde color." Sagot ko naman rito pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ng mas madali dahil kahit ako ay naguguluhan din. "We suspect it that it is her reverse effect with her ability. She has done a tremendous power manipulation and her genes are starting to change somehow or alter." Sagot naman ni Luna kaya napalingon ako rito dahil mas lalo lang akong naguluhan. "What? What do you mean by my genes are changing or altering?" Nagtatakang tanong ko rito. "Ganito kasi yun, we Elemental Holders has unique ability. Normal human possesses dark brown hair o kaya ay black. Kahit kami din, noong ipinanganak kami ay normal na itim ang mga buhok namin. But since we gained our ability, my hair from black turned into brown, violet's hair turned into blue, Yuan's hair turned into white, Jin and Avis still has the same hair, maybe it got something to do with their elements dahil air is color less and earth is everything." Paliwanag nito sa akin and somehow, I was enlightened by her explanation. "I see...." naisagot ko na lang. Kung ganun naman pala ay hindi na dapat pala akong mag-alala dahil natural lang naman pala ito. Kaya imbes na problemahin ko ang buhok ko ay tumingin na lang ako sa pagkain sa hapag na ngayon ko lang napansin. Apple cider, Tart, egg and hotdog yung nasa hapag. Mga pagkain na madalas makikita mo tuwing agahan. Pero yung dami ng pagkain ay hindi pang-breakfast, parang pang fiesta. Natural, si Avis pa naman na parang ewan at adik na adik sa pagkain. "Why are you still wearing your glasses?." Reklamo ni Avis. "Why are you hiding your face?" Gusto ko naman taasan ito ng kilay. Isa nga ito sa dahilan bakit hindi ko inalis ang disguise ko. Nakaka-imbyerna to ah. Everyday ganito kami sa hapag, namimilit ito na wag na daw akong magsuot ng salamin. "I am comfortable with it." Sagot ko dito, at dahan dahan na kinakain ang hotdog at itlog. "Give it a rest Avis. You are so annoying early in the morning." Reklamo naman ni Violet na kulang ba lang eh saksakin na ng tinidor nito ang hotdog. Mukhang nanggigigil lang ito. "One more time Avis and you will have one plate every meal." Malamig na saad ni Yuan na concentrate sa pagkain. Napatingin naman kaming lahat dito. Agad naman natahimik si Avis at itinuon na lang ang pansin sa pagkain. Yuan is the leader of the group since he is the prince and also who has the highest level, do not include me, though I have higher level but I am just a commoner. "When is your special training will be finish?" Tanong ni Luna sa akin. "Sabi ni Prof Claw, one more week at ok na daw pwede na akong humabol sa inyo." Sagot ko rito. Yes totoo yun, isang lingo na lang at matatapos na ang special class and training ko. Madali naman kasi akong matutuo kaya hindi yun problema. Ang problema ko lang ay ang dami-daming librong kailangan i familiarize dahil nga sa kailangan ko na makahabol at mabilisan din ang klase. "That's good." Komento naman ni Yuan. I felt my ears on fire. I feel very uncomfortable every time he speaks to me. Hindi naman uncomfortable in a bad way, yun lang na pagkakausapin ka niya ay akala ko nakikipagkarera na yung puso mo at tsaka nacoconscious ka ng walang dahilan. Relate kayo? Ewan ko ba, alam ko crush ko ito dahil kilala ko ang pakiramdam na ito. But no way high way to hell na sasabihin ko rito na crush ko siya. Baka lumaki lang ulo nito no. Hindi na ako umimik at itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain dahil baka ito pa ang dahilan at malate ako. Si Sir Kite pa naman ang first period, naku kung ano na naman ang maisip nun. Natapos na kaming lahat na kumain kaya sabay na kaming lumabas para sa klase. ••• "Bes, ang boring doon sa dorm." Saad ni Yuki sa akin. "Wala akong makausap doon." Malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Sorry Yuki ah. Wala talaga akong magawa dahil pinadalhan na talaga ako ng papel ni Headmaster na kailangan kong lumipat." Saad ko rito. Kasi sa una ay hindi ko binigyang pansin ang paglilipat at hindi ako lumipat. Mas prefer ko kaya na kasama si Yuki. At hanggang sa pinadalhan na ako ng summon request kaya wala na akong magawa dahil may mga dumating na rin at kinuha mga gamit ko ng hindi man lang nagpaalam sa akin. "Ok lang Snow, at least, may dahilan na ako para pumunta sa Elite dorm." Saad nito at may pahabol pa talagang ngiti. Alam na alam ko na mga galawan nito eh. "Grabe siya oh. Parang sinabi mo na rin na hindi ako ang pakay mo run." Nakangusong saad ko rito. "Of course, ikaw yung main reason ng pagpunta ko, pero syempre happy din ako kasi lagi ko ng nakikita ang mga papables na ka dorm mate mo. Swerte mong bruha ka." Sagot nito sa akin at kinilig bigla. Tingnan mo ito. Zebra never change its stripes ika nga. Hindi na talaga ito magbabago ba. Kung naging lalaki lang ito naku, fucboi na fucboi siguro ito. "Good morning class!" Bati naman ni Sir Kite sa amin na pumasok na pala ng hindi man lang namin namamalayan. "Morning Sir." Kuro naman namin lahat. Agad na umayos kami ng upo at kinuha yung libro sa drawer. Syempre, attentive kami rito. Alam niyo na kung bakit. "Class, today's topic will be outside from our previous topic. I just got an urgent lesson plan from the palace that needs to be discussed with you." Saad nito sa amin at binuksan nito ang dalang libro na mukhang bagong bago at hindi naman ito kakapalan na libro. "Our topic for today is about the myth or prophecy as what the seer says." Saad nito. Myth? Prophecy? Magkukwento ba ito ng story tulad ng alamat ng pagong at ng kuneho o kaya naman alamat ng pinya. Mukhang talagang malayo nga sa previous topic namin pero myth is still part of history though. "According from the myth the day when the sun cries with blood and the moon will turn to dark, a child of the Gods will save all beings and can defeat the darkness." Saad nito habang nagbabasa ng libro. "As the god of darkness rebelled and raised an army to eliminate man-kind, the Gods created a being from their own power and flesh, a being who is a direct descendant from the Gods and who brings the full power of all Gods." Nanindig ang mga balahibo ko habang nakikinig. The myth is creepy. If the Gods created a being or to simply say their child has all their power, then what is this child? Also a god? Pero nasa kanya ang lahat ng katangian? Then the child must be powerful than the Gods itself! "The only way to save the world is to find the child of the prophecy before the Fallens will lay their hand on the child." Saad nito at tsaka isinara na ang libro. "Sir Kite, is that story real?" Tanong ni Calixta. Tumango si sir Kite. "It is real as all the prediction happened. As the sun will turn red, history will repeat itself and only the child of the Gods can save all of us." Sagot ni sir Kite na tila meron napakalaking problema. "Then, where is the child now?" Tanong ni Gerald dito. Mukhang kaming lahat ay nagkainteres. "No one knows. The only thing that can distinguish the child is, that child is unique. The child bears all the element and powers of all Gods." Sagot ni Sir Kite. Bigla naman parang may bumundol sa aking dibdib. Bearing all elements. Bigla na lang lumitaw sa isip ko ang kakayahan ko na gumamit ng apoy maliban sa tubig. Muntik na akong mapakagat sa kuko ko. No one knows who is the child of Gods so their is a possibility that even that child does not know either. Inalis ko na sa isipan ko ang mga naisip ko. It doesn't make sense. I have parents, not unless I am an orphan. Maybe it is just a coincidence that I bear more than one element. "Then how are we going to find the child?" Tanong ni Will na ngayon ko lang din napansin. Hindi na kasi ito nang-aaway sa akin. "We will know, the moment the the child's ulitimate power will be released." Sagot naman ni sir Kite. So yun lang ang paraan para malaman kung sino at saan ang anak ng mga diyos. Iniisip ko pa lang, na makikita ko ang anak ng mga diyos, pinaninindigan na ako ng balihibo. I already think that child is somewhat out of this world and dangerous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD