Snow's POV Tiningnan ko ang aking suot na relo. Mag-aalasingko na ng hapon. Ibig sabihin ay malapit ng gumabi at patuloy pa rin kami sa paglalakad. The place went into even darker than the usual dahil palubog na rin ang araw. Worried kami kanina kung bakit mabilis ang galaw nila Violet pero ilang sandali lang yun at tumigil naman. Baka may tinakasan lang ang mga yun either nakita nila ang mga katunggali o kaya naman may nakasalubong silang serpent. Pero sana hindi serpent di ba? Ngayon ay poproblemahin na naman namin kung saan kami magpapalipas ng gabi. Walang hotel o inn man dito kaya nganga kami ngayon. Hindi naman kami pwedeng matulog dito sa ground dahil baka may iba pang nilalang at kagatin pa kami rito. Krrrooooookkkkkkk! Krrrooooookkkkkkk! Tumunog naman yung kuwago at may naki

