Snow's POV My life became peaceful after our encounter with Osiris. Hindi naman ito nagsumbong pero iniiwasan na ako nito. Mas mabuti na rin yun dahil talagang nababanas ako pagnakikita pagmumukha niya. Hindi ko makalimutan lahat ng pang-iinsulto niya. Hindi naman ako nagtatanim ng galit, ibang level lang talaga ang sayad ng babaeng yun, ika nga level 99999 yung si Osiris. "Snow! Manonood daw tayo ng movie!" Tawag naman sa akin ni Luna. Talagang sinusulit namin ang aming off, dahil bukas life and death situation na naman ang haharapin namin. Isang malaking katanungan pa kung ano ang mangyayari bukas. Wala pa naman din kasing sinasabi kung ano. Anong movie naman kaya ang papanoorin namin? Matagal tagal na rin akong hindi nakakapanood ng mga palabas dahil nga nag-aaral na ako. May TV nga

