Chapter 4

1751 Words
Snow's POV My eyes are roaming around the ceiling to the floor, to the walls and furnitures. Everything is screaming with luxury and elegance. May malaking fire place din o chimney as what they call it. The luxurious room is beyond my imagination. Parang ang hirap makamove on sa mga ganitong klaseng bagay na makikita mo. "Wow, everything looks expensive." Komento ko. Yes, mayaman kami pero hindi kasing yaman ng mga ito. Kung tutuusin yung bahay namin ay parang kalahati lang dito. Hindi din lahat ng gamit ang sin mahal ng mga gamit dito. "It is a house of nobles, it is expected." Saad ni Luna sa akin. Oo syempre inexpect ko pero hindi ganito. Nagulat na lang talaga ako. It is almost like nakikipag-kompitensya ito sa palasyo sa pabonggahan ng palasyo. "You should get use to it." Saad ni Violet na halatang sanay na sanay na ito sa mga ganitong bagay. Napansin ko lang, wala itong ibang alam sabihin kundi you should get use to it, eh sa hindi pa ako sanay. Ano magpapanggap ako na sanay ako? Ano yun? Great pretender lang yung galawan? Konti na lang talaga, iisipin ko na talaga na may galit sa akin ang babaeng ito. I am trying to act friendly and harmony to this freaking b***h pero pag nasagad nito ang pasensya ko bahala na talaga si Batman at talagang mag-aaway kami. Si Jin naman ay kausap ang mga magulang nito kaya nandito kami sa living room naghihintay. Pero inaasikaso naman kami ng mga katulong sa mansyon at binigyan kami ng mga hot chocolate with marshmallows. Hindi ako mahilig sa ganito pero nagustuhan ko yung pagkakagawa nila. Minsan na kasi akong nakatikim ng ganito at mapait yung lasa kaya hindi na ako umulit pa. Ilang sandali pa ay pumanhik na sa living room ang mga magulang ni Jin at kasama din si Jin na tahimik pa rin at parang walang kabalak balak na magsalita. Yumukod kami pero hindi si Yuan. Yumukod naman ang mga magulang ni Jin kay Yuan. Hindi ko na yun ikinagulat pa dahil inasahan ko na yun. "Welcome to our humble abode, your highness." Saad ng mga ito. "And to you, ladies and lord." Bati nito pero napatingin ito sa akin at napakunot ang noo nito dahil malamang hindi ako nito kilala. "Is she the new member?" Tanong ng mama ni Jin habang nakatitig sa akin. "Yes mom. She is. Her name is Snow Brielle Sylveria." Pakilala naman ni Jin sa akin in a flat tone na akala mo nagbabasa lang ito ng impormasyon galing sa isang folder. Yumukod naman ako ulit. Nakakailang lang kasi binigyan pa talaga ako ng atensyon na pwedeng hindi naman. They can just ignore me, dahil ayoko din yun napapansin ako lalo na sa mga taong tulad nila. "Hello dear! I am Margaret and my husband Reginald. Welcome, and I guess this is your first time in Windolia?" Nakangiting bati nito sa akin. "Yes your grace." Sagot ko rito. I feel alienated dahil parang sobrang bait nito. Unusual sa first impression ko sa mga noble na mapagmataas. "You can enjoy everything here while you stay. Don't be shy." Saad nito. Taliwas sa mga sinasabi ni Violet na nakakahiya ako. Itong parents ni Jin ine-encourage pa talaga ako. Maybe they have a different culture and upbringing but I am liking them more. "And I believe your sudden visit is about the problem of Windolia. We can discuss about it over dinner. It's better to talk about it with full stomach." Saad ni Lord Reginald na kahit strikto tingnan nararamdaman mo pa rin na mabait ito. "Please, lead them to their rooms." Utos nito sa mga katulong nito. Agad na nagsikilusan ang nga katulong at iginiya kami nito sa aming mga kuwarto. In fairness, kanya-kanya yung mga kuwarto namin rito pero iisang floor lang kaming lahat at tabi tabi yung mga kwarto namin. Pumasok ako sa kwarto ko at talagang sobrang gara ng kuwarto na ibinigay sa akin. Gaya ng kuwarto ko sa Academy, pero syempre hindi naman lahat magkapareho pero parehong magara. Agad na inilapag ko ang aking bag sa lamesa at tumalon ako sa higaan. Ang lambot at tsaka fluffy and furry yung kumot pati yung bed sheet! Pang malamig na klima talaga siya at hindi na kailangan ng aircon dito dahil nga sa sobrang lamig. Kahit nasa loob nga ako ay hindi ako pinagpapawisan pero hindi naman din malamig, tama lang dahil meron naman fireplace dito sa loob ng kwarto ko. Agad na hinubad ko ang aking coat at isinabit ito sa coat rack. May malaking bintana rin sa kuwarto kaya tumayo ako at tumingin sa labas. Everything is white. I can see the path walled with cedar trees who's covered with snow but at a distance, dark clouds is hovering and making the place even darker. Everything looks spine chilling and looking at the dark clouds, I don't feel any good about it. I don't know but I fell like there is something that is not right. It feels like something is waiting there and ready to spread darkness. Isinarado ko na lang yung makapal na kurtina at bumalik sa higaan. Mamayang hapunan pa kami mag-uusap tungkol sa mga pangyayari. Kaya may oras pa akong matulog. Kinuha ko muna ang backpack ko para buksan at tingnan yung cellphone ko. Pero nagulat ng lang ako pagbukas ko. Along with my clothes, there is a book. Wala akong maalalang may inilagay akong libro sa bag ko. Kaya kinuha ko ang libro and it was the old book I got at the carnival and with the mystical beast incident. I really don't know how did it got here pero wala akong magagawa nadala ko na eh. Baka di ko lang napansin at naihalo ko ito sa mga gamit na dadalhin ko kaya napasama ito. But weird, sa laki ng librong ito, imposibleng magkamali ako pero hinayaan ko na lang din. Chineck ko ang phone ko at nagtext na nga si Yuki. Nangungumusta bakit di daw ako nagpalaam ng personal sa kanya. Natural, biglaan yung alis namin eh kaya nagtext na lang ako kay Yuki dahil baka magtampo yun. Nagreply naman ako rito. At tsaka meron din akong ugali na nakakalimot akong magpaalam. Hindi ko rin kasi yun nakasanayan. Me: nandito kami sa bahay nila Jin, ang lamig dito. Yuki: talaga? Nadyan kayo? Ang daya mo naman! Me: misyon to bess, hindi to field trip. Yuki: kahit na! Nakita mo na bahay niya! Me: kurutin kaya kita diyan? Ano gusto mo? Magcamping kami sa labas? Natural na sa bahay niya kami patutuluyin. Nagyeyelo na lahat-lahat dito. Yuki: nakakainis! Me: wag ka sakin mainis bruha ka. Yuki: tse! Dyan ka na nga. Mag-aaral pa ako. May quiz bukas. Me: goodluck! Ganito talaga kami mag-usap ni Yuki sa text. Hindi malayo sa personal. I know she's just envy dahil nakarating na kami sa bahay ng crush niya? Kahit sino naman siguro ay mararamdaman yun. Maiinggit, pero ano ang magagawa ko? This mission is for Elites. Humiga na lang ako at pumikit. Inaantok ako dahil sa klima. Nakakatamad ang ganitong panahon sa totoo lang at hindi ko na namalayan na nilamon na ako ng antok. I can feel the chill and the frost bite. Hindi ko alam kung nasaan ako pero ang nakikita ko ay isang bundok at pinagitnaan nito ang isang kuweba. The wind is striking at its best kaya nagmadali akong maglakad at papasok sa kuweba. Nang makapasok na ako sa kweba ay agad kong ipinagpag ang mga yelo na dumikit sa akin. Ang lamig talaga. Kung ganito ang dulot ng snow, hindi ko siya na-eenjoy sa totoo lang. Ang hirap mamuhay sa ganitong lugar. Bigla na lang akong nakarinig ng mga tagaktak ng tubig at parang may lumilipad. Napalingon ako sa likod ko pero madilim. Humakbang ako papalapit at bigla na lang suminde ang torch sa paligid. Nagulat ako dun dahil hindi ko yun inasahan. Kumuha ako ng isang torch at nakita ko na ang lagusan ng kuweba. Naglakad ako papasok at may nakikita akong mga paniki na nakasabit pabaliktad sa bubong ng kweba at yung iba ay napapalipad kung dadaan ako dahil sa ilaw. Ayaw kasi nila ng ilaw dahil nocturnal ang mga ito. They said, bats are blind during daytime o kung may ilaw. They have this super night vision. Patuloy lang ako sa pagpasok hanggang sa umabot ako sa batis at sa di kalayuan ay may natanaw akong labasan dahil maliwanag ito. Agad akong lumapit sa labasan at ng marating ko ito ay agad na nagbago ang klima. The frozen state of environment was changed into like a first drop of snow in winter season. Unlike before, the wind is raging with anger and giving us a hard time traveling. I can see trees and flowers that haven't withered and I can see soft fragments of snow flakes on the ground pero nawawala din sila na parang natutunaw. At sa hindi kalayuan ay may natanaw akong isang barn. Kulay pulang dingding at gawa sa dayami ang bubong nito. A typical barn. I tried to look for someone but I cannot see anyone. While I was looking for anyone, I noticed that the sky became darker than before. I can see the fast movement of the cloud gathering towards the area and blocking all possible light to make the surrounding darker. I suddenly felt the sickening chills all over me. All my downy hair rose up and the chills run down my spine. I felt the wind became stronger and getting wild. Darkness invaded everything and it caught my attention when black fragments are strangely flying towards my direction and before I know it, it is now bursting flying down to attack me. Nagising na lang ako dahil sa isang katok mula sa pintuan. Yung tipo ng katok na kanina pa katok ng katok pero hindi napagbubuksan at badtrip na badtrip na yung kumakatok. Tumayo naman ako at papungas-pungas pa na tumayo. Medyo mahaba ang tulog ko at anong oras na ba ngayon? Binuksan ko ang pintuan at nadatnan ko si Luna na nakabusangot na at kulang na lang ay sugurin na ako. "Ang tagal mo ah. Pero tara, kakain na daw tayo." Saad nito pero nakasimangot pa rin ito. "Sorry, nakatulog ako." Hingi ko naman dito. Bumalik ako sa kuwarto ko para ayusin ang sarili ko. Isinuot ko ulit ang salamin ko at inayos ang magulong buhok. Tsaka ako lumabas na kasama si Luna para simulan na ang pag-uusap sa malaking problema na kinakaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD