SERENITY Three months later. Until now ay nandito pa rin ako sa New York. Namamayagpag ang karera ko dito at hindi pa ako makakauwi ng Pilipinas. Nabalitaan kong kinasal na si Dominic at Tita Rose. Without bitterness, I'm happy for both of them. Sa huli, sa kaniya pala uuwi si Dominic. Sa kaniya pala magiging masaya ang taong minsan ko ng minahal. Sa kaniya ka pala bubuo ng pamilya at hindi sa akin. "Hoy, kakain na tayo. Nasaan ba si madam?" tanong ni Shane. Maaga siyang bumangon kanina kaya siya na ang nagluto ng aming agahan. "Paggising ko ay wala na si Madam Bea sa higaan niya at hindi ko alam kung saan siya pumunta." Nagsimula akong kabahan ng makita kong nabasag ang picture frame naming dalawa ni Maximillian. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kaya

