LEREN Ayokong harapin at kausapin si mommy dahil galit na galit ako sa kaniya. Aware naman ako na hindi na nila mahal ang isa't-isa ni daddy pero 'yong nakita at nalaman ko ngayon ay hindi matanggap ng buong sistema ko. "She's totally a good actress and a liar!" sigaw ko habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan. Nandidiri ako sa ideyang kaibigan ni daddy ang kabit niya. Galit siya sa mga manlolokong tao, so ibig sabihin galit din siya sa sarili niya? Natawa ako ng mapakla dahil sa tanong ko sa aking sarili. "Leren, saan ka galing?" "Diyan lang po," paos kong tugon habang ako ay nakayuko. Nag-aalaga na nilapitan ako ni daddy nang makita niyang umiiyak ako. You're so ruthless, mommy. Pinunasan ko ang aking mukha nang makita kong may paparating na sasakyan sa aming garahe. Kung sa

