DOMINIC May date kami ngayon ni Serenity, gusto ko sanang magpahinga siya sa araw na ito ngunit nagpumilit siyang mag-picnic kami mamaya sa park kung saan kami unang nagkakilala noon. "Maligo ka na babe, ako na dito." Alam kong marami pa siyang ritwal na gagawin sa loob ng shower room kaya pinauna ko na siya. "Sige, akyat lang ako sa kwarto ko." Nilagay ko sa loob ng basket ang mga pagkain na dadalhin namin at picnic mat. Nang matapos ko ng mailagay lahat ay naglinis na ako dito sa kusina. Hindi ko binanggit kay Serenity ang nalaman ko tungkol sa kanilang dalawa ni Maximillian. Dahil ayokong malaman ang rason niya kung bakit niya nilihim sa akin na nililigawan pala siya noon ng boss niya. Nanatiling magkaibigan pa rin kami ni Octavius dahil hindi naman niya kasalanan na nagkagusto an

