MADAM BEA Rest day ko ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. Gabi na at nais kong pumunta sa aking hardin dahil sa tuwing wala akong ginagawa ay nagtatanim ako ng kung ano-anong bulaklak. Kumakanta pa ako habang nagbubungkal ng lupa dahil nais kong ilipat ang gumamela sa tabi ng sunflower. Biglang nasira ang mood ko nang tumunog ang dalawa kong cellphone. Ano na naman kaya ang kailangan ni Denise at Shane sa akin? Sabay pa talaga silang tumawag . "Kahit kailan talaga ay istorbo ka ng beauty rest ko, Denise. May ipapagawa ka ba sa akin?" maarteng tanong ko sa kaniya. Siya ang una kong kinausap dahil baka may importante siyang sasabihin. "My God, tumayo ka na diyan sa kinauupuan mo at pumunta ka dito sa Lorenzo Medical Center!" sigaw niya sa akin. Teka, bakit parang galit siya? Hind

