SERENITY Sana ay hindi napansin ni Tita Rose ang pagiging balisa ko kanina. Pagkakataon ko na sanang masilayan ang mukha niya pero hinila ko na siya dahil ayaw kong magtagpo ulit ang landas namin. Mukhang masaya naman siya na wala na ako sa buhay niya. "Seren, may iniiwasan ka ba?" "Wala naman tita," casual kong sabi. Baka kasi kapag nagtagal kami dito ay lapitan niya si Maximillian dahil parang magkakilala silang dalawa. Saktong tapos ng mag-usap si Dominic at ang kaniyang ina nang makarating kami sa pwesto niya. Hinalikan niya ang noo ko at kinuha niya ang dala kong luggage. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa likuran ko at pumasok na kaming tatlo sa loob ng taxi na sinakyan kanina ni Tita Rose. "Dominic, ilan ang sahod mo sa pagiging bodyguard sa pamangkin ko?" Humagalpak

