SERENITY Isang oras na akong nakatingin sa kisame at hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong natutulala. Tinatamad akong bumangon ngayon kaya nanatili lang akong nakahiga sa aking higaan. Dalawang linggo na ang lumipas subalit sariwa pa rin sa utak ko ang ginawa ng lalaking iyon sa akin nung gabing nag-e-emote ako sa rooftop. Naiinis ako sa aking sarili dahil pakiramdam ko ay nagtaksil ako kay Dominic. Hindi ko man lang siya tinulak ng maramdaman kong hinahalikan niya ang leeg ko. Mabuti na lang at nawala na ang iniwan niya na tatlong kiss mark. Dahil ilang araw din akong nagtiis na magsuot ng turtleneck sa tuwing pumapasok ako sa Bracken International School. Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong tumunog ng malakas ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha at nang makita

