DOMINIC Nang imulat ko ang aking mga mata ay nagtataka ako kung bakit nandito ako sa condo ni Serenity. Tumagilid ako upang mapagmasdan ko ng maayos ang maamo niyang mukha. Pagkalipas ng sampung minuto ay dahan-dahan akong bumangon dahil ayokong maistorbo ang mahimbing niyang tulog. Kanina ay hilong-hilo ako at ang taas pa ng lagnat ko. Mabuti na lang at inalagaan niya ako kahit na galit siya sa akin. Kaya kahit papaano ay maayos na ang pakiramdam ko. "Gising ka na pala," inaantok niyang sabi. "Nahihilo ka pa rin ba?" "Okay na ako, salamat sa pag-aalaga sa akin. Pasensya na kung naabala kita at naging pabigat ako sa 'yo ngayong araw na ito." "Tumawag pala 'yong secretary mo kanina at pinapasabi niyang may importante daw kayong pag-uusapan ng mga magulang mo." Damn it, nakalimutan kon

