FAVIO "Good evening sir," nahihiyang bati sa akin ni Dominic. Hindi ko nagustuhan ang nakita ko kanina. Nagtataka ako kung bakit nandito siya sa condo ng anak ko. Gabi na at bakit hindi pa siya umuuwi? Sa totoo lang ay hindi ko siya gusto para kay Serenity. Iba kasi ang pakiramdam ko sa lalaking ito. "Napadalaw po kayo?" tanong sa akin ng anak ko. "May importante akong sasabihin sa 'yo anak. Wrong timing ata ang pagpunta ko ngayon dahil mukhang busy kayo ni Dominic." "Gano'n ba? Doon na lang po tayo sa living room mag-usap." Iniwan namin sa kusina ang boyfriend niya dahil kasalukuyan siyang nagluluto ng ulam nilang dalawa ng anak ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil baka kung ano pa ang mapuna ko sa kaniya. "Serenity, pagkatapos kumain ni Dominic ay paalisin mo na siya dito

