ROSE "Ano ba ang sasabihin mo sa akin?" Nagtataka ako kung bakit dinala niya ako dito sa bahay nila. "Gusto kang kausapin ni mommy," malamig nitong sambit habang nakatingin siya sa bandang tiyan ko. Nagpapasalamat ako kay Dominic dahil kahit na galit siya sa akin ay inalagaan niya pa rin ako nung na-confine ako sa ospital. Akala ko talaga ay mawawala na ang baby ko, pero mabuti na lang at strong siya kagaya ko. "Magandang umaga po, Mrs. Suarez." magalang kong bati sa kaniya. Kinakabahan ako ngayon dahil baka sampalin niya ulit ako. "Mukhang okay ka naman at parang wala kang problema. Hindi kasi halata sa 'yo na may sinira kang relasyon," sarcastic nitong sumbat sa akin. "Actually, hindi ako emotionally stable at hindi ko lang pinapahalata sa ibang tao. Dahil ayokong sabihin nilan

