SERENITY Nang malaman namin kung saan dinala si Dominic ay pinuntahan agad namin siya. Pagbukas ko ng pintuan sa isang silid ay halos manghina ako nang nadatnan ko si Natalie na nakapatong sa ibabaw niya. He betrayed me again. "S-serenity," gulat na sabi ng magaling kong fiance nang makita niya ako. Hindi ko na hinintay na magpaliwanag siya sa akin at mabilis kong tinanggal ang suot kong singsing. Binato ko ito sa kaniya at mabilis kong nilisan ang bahay na iyon dahil hindi ko kayang magtagal doon. "Serenity, saan ka pupunta?" tanong ni Denise sa akin. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso akong pumasok sa loob ng aking sasakyan. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang humagulgol sa iyak. Sa sandaling ito ay pakiramdam ko ay para akong sinasakal ng lubid at sobrang sakit niton

