SERENITY "Madam, pangalawang beses mo na ito sa isang araw na binisita ang anak ko. May problema ba?" "Wala naman, na-re-relax kasi ako kapag nakikita ko ang mukha ni Serenity." Kilala kita Madam Bea, alam kong may gusto siyang sabihin sa akin subalit ayaw niyang ibuka ang bibig niya. Palagi kaming magkasama at kabisadong-kabisado ko na siya. "Kamusta ang trabaho mo? Parang hindi ka busy madam dahil may time ka pa talagang pumunta dito. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, pinalayas ka na ba sa agency ninyo?" Ayaw kong imulat ang mga mata ko dahil gusto kong makinig sa pinag-uusapan nilang dalawa. "Diyos ko, ano ba ang pinagsasabi mo Madam Elizabeth. Bakit naman nila ako palalayasin?" Malapit na magkaibigan si Madam Bea at Ms. Denise kaya malabong tanggalin siya sa trabaho. At isa pa,

