DOMINIC Halos paliparin ko ang aking sasakyan para lang mabilis akong makarating sa presinto. Galit kong pinatay ang dash stereo dahil lahat ng balita ay tungkol kay Serenity. Busina ako nang busina dahil bigla na lang tumigil ang truck na nasa harapan ko. Damn it, nagmamadali ako dahil may emergency akong pupuntahan tapos bigla na lang naging traffic! "Hello attorney, nandiyan ka na ba sa presinto? Please paki-settle agad ang problema dahil medyo ma-de-delay ako ng konti." Ibinaba ko na agad ang tawag nang sabihin niya sa akin na papasok na siya sa loob ng police station. Hindi ako nakatiis at bumaba ako sa aking sasakyan. Kaya pala ang bigat ng traffic dahil may naaksidente pala sa unahan. Tatalikod na sana ako pero bigla kong narinig ang apelyidong Chavez kaya tumakbo ako papunta

