Pagkatapos naming mag-usap ng doctor para akong nang hina na hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko akalain na magkakaganyan siya. Nakaupo na ako sa benches ng ospital at naghihintay na ilipat ito sa recovery room area. Panay naman tunog ng cellphone ko at hindi ko alam kong sasagutin ko ba ito o hindi alam ko naman na asawa ko ang natawag sa akin at naguguluhan ako kong sasabihin ko pero sa kabilang banda may karapatan ito, dahil anak niya si Denver kaya sinagot ko na ang tawag nito. "Yes sweety, nasa emergency room pa rin at wala pa akong balita. Sabihan na lang kita kapag meron na ha. Siya nga pala kumain kana ba? Naka inom ka na ba ng gamot mo?" tanong ko at baka kasi hindi at lumagpas na naman ang oras. "Yes, sweety tapos na." sagot niya. "Okay, good mamaya lang uuwi rin ako

