"Itutuloy ko pa ba?" tanong ko, kasi hindi pa rin siya natigil sa pag-iyak. At ayokong nakikitang naiyak siya. "Oo nga at gusto ko pang malaman lahat lahat please." sagot niya kaya nasabi ko na lang na; "Sige, itutuloy ko na." *** Naging kami ng Mommy mo at never kong nakilala ang magulang niya hanggang sa nakagraduate kami ng highschool at nang College na kami pinili namin sanang magkaparehas ng school kaso hindi siya pinayagan ng lola mo. Kaya napunta siya sa ibang school at ako rin, pero kahit ganon sinisigurado ko na may time ako para sa kan'ya at hindi ko 'yon binabaliwa lalo na kapag may mga okasyon na kailangan naming icelebrate na dalawa lagi akong nag e-effort na puntahan siya sa school niya at i-surprise syempre with the help of barkada's, Dom, Vince, Rapha and Brix, sila a

