TREVOR At kahit masakit ang ulo ko nag drive ako pabalik ng Mansyon. Hindi ko na naabutang gising ang asawa ko at ang anak ko. Tumabi na lamang ako sa kanila ng matapos akong makapag bihis, hinalikan ko sa labi ang asawa ko at nagpapasalamat ako na may pamilya akong buo na sa bawat araw ay palagi kong nakakasama, kaya ayaw kong masira ito bagkus pagkakaingatan ko hanggang sa ako'y nabubuhay. This is my dream, and I will always to protect it. Nang gupuin ako ng antok nakatulog na rin ako na may ngiti sa aking mga labi. Kinabukasan nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko. Nakabukas na kasi ang kurtina sa kwarto at wala na sa tabi ang mag-ina ko. Mukhang maagang nagising ang asawa ko at dahil sa may hang-over pa rin naman ako, napag pasiyahan kong matulog na lang ulit. Muli

