BETTINA Nang naabutan ko ang asawa ko na walang malay sobrang takot na takot ako at hindi ko alam ang gagawin ko, napasigaw ako at mabuti na lang narinig ako ni Manang. "Jusko! Anong nangyari ma'am?" tanong nito sa akin. "Hindi ko po alam manang basta nakita ko na lang siya nasa lapag na at walang malay, paki tulungan po ako at kailangang madala siya sa ospital." Kaagad naman akong tinulungan ni Manong at tumawag ito ng ambulace at mabilis naman nakarating ito sa Mansyon sumama ako at dinala agad sa Emergency room ang asawa ko pagkarating namin hindi na ako pinapasok sa loob at sa labas na lang daw ako mag antay. Naupo ako sa mahabang upuan at nagdasal na sana ligtas ang asawa ko. Hindi ko yata kakayanin kapag may nangyaring masama sa kan'ya at mabuti na nga lang talaga na nagkamalay

