Habang nasa byahe ako nagkanda malas malas pa ako na biglang lumakas ang ulan kaya sobrang dulas ng daraanan ko at hindi ako pwedeng magmabilis ng pagmamaneho at mahirap na baka maaksidente pa ako sa daan. Badtrip na badtrip ako at aabutin na talaga ako ng gabi. Tatawag sana ako sa asawa ko nabitawan ko naman ang cellphone sa gulat ko nang makita ang lightning sobrang nakaka takot kapag natamaan ka. Kaya pinalipas ko na muna ang malakas na ulan itinabi ko na muna ang sasakyan ko. Ayokong sumuong sa malakas na ulan at baka mastranded ako sa taas ng baha. Nagpalipas muna ako ako ng isang oras hanggang sa humina ang pagpatak ng ulan kaya nagmaneho na ulit ako ng dahan dahan. Sobrang dilim ng kalangitan talagang galit na galit ito. Nag hanap na ako ng masho-short cut-an ng mabilis akong makara

