BETTINA Prenatal check-up ko today at ngayon na raw namin malalaman ang gender ng baby namin. Kanila lang nagpaalam ang asawa ko na dadaan raw muna siya sa DGC bago kami pumunta ng ospital at after daw kasi doon balak niyang lumabas kami at mag celebrate. Kaya naman pinayagan ko siya sinabi ko lang na; "Sweety, bumalik ka agad ha." malambing na paalala ko dito. Lumakad naman ito kaagad at naiwan naman ako sa Mansyon ng mag-isa. Nilibang ko na muna ang sarili ko at ayokong maboring sa kakahintay dito. Tatawagan ko sana ang asawa ko at magtatanong ako sa kan'ya ng biglang 'di ko mahanap kong saan ko ba nalagay ang cellphone ko. Kaya inis na inis ako talaga, dahil hindi ko siya matatawagan man lang kong nasaan na ito. Haixt! Halos hinalughog ko na nga ang mga posibleng paglalagyan ko kaso

