WARNING MATURE CONTENT / R-18 Angelie's POV "Love, pwede bang sa condo unit ka na lang matulog?" tanong sa akin ni Ayen. Napakunot noo naman ako sa kanya habang nakasakay na kami sa elevator pa akyat sa floor naming dalawa. "Why love? May problema ka ba kaya gustong mong samahan kita sa condo mo?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko talaga ang laki ng problema ni Ayen dahil hindi naman niya ko inaaya na matulog sa condo niya maliban na lang kung may gusto siyang pag-usapan naming dalawa. "Wala naman. Gusto lang kitang makasama ngayong gabi. Nood tayong netflix? May pop corn sa condo," nakangiting saad niya. Napaisip naman ako at maganda nga kung sa kanya na ko matutulog ngayong gabi dahil baka umuwi na rin siya sa Laguna sa susunod na mga araw. Sulitin ko na dahil baka ilang araw kam

