Chapter Nineteen

1399 Words
DAHAN-DAHANG iminulat ni Luka ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang napapikit nang tumama sa kanyang mga mata ang liwanag ng mga ilaw. She groaned. “Luka, anak, how are you feeling?” Nang tuluyan na niyang maidilat ang mga mata ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mga magulang. Sinubukan niyang bumangon. Tinulungan siya ng kanyang ama na umupo nang maayos sa kama. “Kumusta na ang pakiramdam mo, Luka? May masakit ba sa 'yo?” tanong ng mommy niya. “I’m fine, Mom.” Inilibot niya ang paningin sa paligid. She was in the hospital. Isa-isang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari. Mula sa pagkasunog ng kanyang studio hanggang sa pagliligtas sa kanya ni Khaki. Napasinghap siya. “Si Khaki? Nasaan ho si Khaki?” “Nasa labas siya ng kuwarto,” sagot ng kanyang ama. Nakahinga siya nang maluwag dahil ligtas ito. “Do you want to see him?” tanong ng kanyang mommy. Nag-angat siya ng tingin sa kanyang ina. “Po?” Ngumiti ito at hinaplos ang kanyang mukha. “Mula kasi nang isugod ka rito sa ospital, hindi na mapakali ang batang iyon. Sa katunayan nga, kalalabas lang niya rito para kulitin uli ang mga doktor kung bakit hindi ka pa nagigising. Talagang nag-aalala sa 'yo nang husto ang batang iyon.” Lumobo ang puso niya sa narinig. “Hindi po. Sadyang pakialamero lang talaga ang lalaking iyon,” nakangiting sabi niya. Nanlaki ang mga mata ng mommy niya. “Oh, goodness! You’re smiling, hija!” Natigilan siya. Nang tingnan niya ang kanyang ama ay halatang tuwang-tuwa ito. “O, siya. Ngayong nakikita naming maayos na ang kalagayan mo, aalis na muna kami ng daddy mo. Iiwan ka muna namin kay Khaki,” anang mommy niya. “Babalik kami mayamaya, anak,” sabi naman ng daddy niya. Tumango na lang siya. “Salamat po sa pagdalaw, Mommy, Daddy.” Pagkatapos siyang halikan ng kanyang mga magulang sa noo ay umalis na ang mga ito. Naiwan siyang nag-iisip. Nasunog ang kanyang studio. Natupok ng apoy ang pinakaiingatan niyang paintings ng mukha ni Daniel. Nang mamatay ito, pakiramdam niya ay hindi na niya kayang gumuhit ng ibang bagay maliban sa nakangiti nitong mukha. Hindi niya akalaing magiging abo lang ang lahat ng iyon sa isang iglap. Pero naisip din niyang hindi kaya iyon ang sagot ni Daniel sa kanya nang itanong niya rito kung dapat na ba niya itong palayain? Senyales ba iyon na dapat na siyang bumitiw sa mga alaala nila? Sa gitna ng pag-aalala niya sa namatay na kasintahan, sumalit sa alaala niya ang imahe ni Khaki. “Luka.” Napalingon siya sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makitang nakasandal sa hamba ng pinto si Khaki habang nakahalukipkip. He was unusually serious. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito. “I’m fine. And thank you sa pagliligtas mo sa akin.” Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay nito sa kanya. Pagkatapos ay hindi na ito muling umimik pa. Nailang siya sa katahimikang namayani sa pagitan nila. Nakasanayan na niya ang kadaldalan nito kaya ngayong wala itong imik, parang hindi siya mapalagay. Bumuntong-hininga siya. “This morning, before I left my studio, I asked Daniel if I was supposed to let go of our memories. Kaya ngayon, iniisip ko tuloy kung ang pagkasunog ba ng studio ko ang sagot niya sa tanong ko.” Hindi niya alam kung bakit niya sinasabi iyon kay Khaki. Maybe she wanted someone to listen to her. Or maybe she just really wanted to hear his voice. “Luka, what happened to Daniel? How did he... die?” “He died in a car accident three years ago. Araw ng kasal namin noon. I was so devastated. Siya lang ang lalaking minahal ko at inakala kong habang-buhay kaming magkakasama. Kaya nga hindi ko matanggap nang mawala siya sa akin.” “So... can I say something?” “Go ahead.” “You’ve been grieving for three years now. Don’t you think it’s time to let go now and move on with your life? Why is it so hard for you to let go? I mean, naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon dahil minsan ko na ring naranasan iyan. But when I look at you, it’s as if... you’re desperately holding onto your memories of him.” She let a ghost of a smile escape her lips. Nakita na naman nito ang isang bagay na pilit niyang itinatago sa lahat. “Daniel was an orphan. Nang magkakilala kami sa college, isa siyang scholar at self-supporting student. Nang maging kami, alam kong naging dependent siya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat para hindi niya maramdaman uli ang pag-iisa. “One day, he told me he was afraid of being alone again. Ang sabi niya, noong bata raw siya, madalas niyang itanong sa sarili niya kung may makakaalala sa kanya kapag namatay siya. Ayaw raw niyang mamatay nang walang nakakaalam na minsan ay may isang ‘Daniel Fernandez’ na nabuhay sa mundo. Kaya nang mamatay siya, ipinangako ko sa kanya na hinding-hindi ko siya kakalimutan.” Nanakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. “Iyon ba ang dahilan kung bakit nakatali ka sa mga alaala niya?” “Natatakot ako na dumating ang araw na hindi ko na maalala ang mukha niya. Na makalimutan ko na ang mga alaalang pinagsaluhan namin.” Hindi na niya napigilan ang pag-iyak. “Nangako ako sa kanya...” Niyakap niya ang kanyang mga tuhod at sumubsob doon. “Luka...” Naramdaman niya ang pag-upo ni Khaki sa kanyang tabi. His strong arms were wrapped around her. Masuyong hinahaplos-haplos nito ang kanyang buhok. Parang may mainit na bagay ang bumalot sa kanyang puso sa ginawa nito. Kumalma uli ang buong sistema niya. Parang ipinaghehele siya sa mga bisig nito. Alam niyang may iba pa silang dapat pag-usapan ni Khaki – ang pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Pero sa ngayon, gusto niya munang kalimutan ang ipinagtapat sa kanya ni Khaki dahil ayaw niyang sirain niyon ang mga sandaling iyon. What important to her was she found peace in his arms. “Luka, alam ko kung gaano kahalaga para sa 'yo ang pangakong iyon, pero hindi mo naman kailangang ikulong ang sarili mo sa ibang mundo at itaboy palayo sa iyo ang lahat ng tao sa paligid mo para lang tuparin ang pangako mo kay Daniel. He’ll always be in your heart the way my family is still in mine. Even if you give yourself a chance to be happy again, it doesn’t mean that you’ll going to forget him. “Whenever I smile and laugh, I think of my family. Even when I cry, I still think of them. Because I know that somewhere out there, they’re watching over me. Alam kong hindi nila gugustuhing mabuhay ako nang malungkot nang dahil sa pagkawala nila. Sigurado akong ganoon din si Daniel. Saan man siya naroroon, gusto niyang maging masaya ka.” She smiled. Tama si Khaki na hindi naman mawawala ang alaala ni Daniel dahil mananatili iyon sa puso niya kahit ano ang mangyari. At gugustuhin din ni Daniel na maging masaya siya. Marahil natatakot din siya na kapag nagkaroon siya ng panibagong masasayang alaala sa kanyang isip, maaaring mapalitan ng mga iyon ang mga alaalang pinagsaluhan nila ni Daniel. But then, she knew it wasn’t right to think that way. Noong nabubuhay pa si Daniel, wala itong ibang hinangad kundi ang kaligayahan niya. Salamat kay Khaki, ang kauna-unahang taong nakabasa sa tunay niyang nararamdaman. Kung paano nito nagawa iyon, hindi niya alam. It was as if she was an open book to him. Bawat sabihin nito ay tumitimo sa puso niya. “You’re a strong woman, Luka. You should continue to live, getting hurt is part of life. You just have to get used to it. Nariyan naman ang mga nagmamahal sa 'yo para suportahan ka.” She cried. His words touched her heart once again. Only his voice reached her because he was the only one who found the way to her heart. Daniel, I accept your answer. Thank you. You’ll always be in my heart. You know that, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD