Aubrey's POV Madilim na sa labas nang umalis ako. Right after I left the mansion, I got a call from him and he told me to come back. Ihahatid niya na daw ako but I refused. Hindi ko kayang sumakay sa kotse ng kaming dalawa lang. Kung umasta siya ay parang isang normal na babae ang hinalikan niya. Buang talaga. Nang makasakay ako ng taxi ay saka ko lamang naalala ang appointment ni Warren sa doctor. Tatanggalin nga pala ang tahi niya sa Miyerkules. Sasamahan ko ba siya? Hindi ko pa rin ata kayang lumapit sa kanya. Bakit naman, aber? Sigaw ng isang boses sa utak ko. Nababaliw na 'ata ako. Pero ayaw ko siya makita muna kasi pinapabilis niya rin ang t***k ng puso ko. Nababaliw na 'ko. Bakit ko ba sinasagot 'yung boses sa utak ko. "Nandito na po tayo." Bigla akong bumalik sa wisyo n

