Aubrey's POV "So ikaw din ang kumain ng ulam sa lamesa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya habang nagsusuot siya ng damit niya. You heard it just right. Nakikain na nga siya. Nakitulog pa siya tapos wala pa siyang damit. Gaano kakapal ang mukha ng lalaking 'to? "I felt sleepy. Is that a problem?" He said. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ano namang kinalaman ko du'n? "Gusto mong kasuhan kita ng trespassing?" Matapang kong sigaw sa kanya. Blanko niya naman akong tiningnan matapos niyang isuot ang pantalon niya. Napaatras ako nang magsimula siyang maglakad papalapit sa'kin. "A-Ano ba!" Nabubulol kong reklamo. Tuloy-tuloy ako sa pag-atras at tuloy-tuloy din naman siya sa paglapit. Nang maramdaman ko na ang pader sa likod ko hudyat na wala na akong aatrasan pa ay ki

