Aubrey's POV Kasama ko si Ma'am Almazan nang pumunta kami sa Golviogo University. Doon pa rin magaganap ang paligsahan. Muli kong nakita ang organisadong eskwelahan. Sana maging ganito din ang Montefalco University. "Handa ka na ba?" Tanong ni Ma'am. Kinakabahan man ay tumango ako at saka binuksan ng guro ang pinto kung saan kami naglaban noon. Agad nakita ng mga mata ko si Blue. Tahimik siyang nakaupo sa sulok ng k'warto. Nagpaalam si Ma'am para lumapit sa ibang mga guro at lumapit naman ako kay Blue. "Hi Blue!" Nakangiti kong bati. Nagmulat siya ng mata at ngumiti pabalik. "Good Afternoon. Ready ka na ba?" Tanong niya. Ngumiti naman ako at dahan-dahan na tumango. "Sa totoo lang kinakabahan ako." Sagot ko. Tumawa naman siya kaya nahiya ako. "Don't be nervous. Ako lang 'to. Whate

