Aubrey's POV Hinarang ko ang katawan ko sa nakahandusay na katawan ng Tito ko. Ang laki na ng pinayat niya. Hindi ko lubos maisip na magagawa 'to ni Tita. Sa sarili niyang asawa! Sa taong mahal niya! "T-Tita tama na po. M-Maawa kayo kay Tito. P-Paguusapan po natin ito." Nauutal kong sabi. Ibang-ibang Tita Sabelle ang nakikita ko ngayon. Nagmistula siyang baliw na parang wala sa tamang pag-iisip. "I-Ikaw. Ikaw ang dahilan! KABIT KA RIN NI VICTOR! ARGHH!" Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong umiwas pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko si Titang itaas sa ere ang hawak niyang upuan para ihampas sa akin. "MOM!" Plak Sa isang iglap. Nahulog sa sahig ang hawak ni Tita. Nang imulat ko ang mga mata ko. Nakayakap na ng mahigpit si Xander sa nagpupumiglas niyan

