Aubrey's POV Maalinsangan ang panahon kaya hirap akong makatulog. Mariin kong pinikit ang mata ko ngunit kahit ano'ng gawin ko ay hindi ako makatulog. Malalim akong napabuntong hininga at saka dahan-dahang bumangon. Suot ang pambahay na tsinelas ay tinungo ko ang hardin. Agad kong nilanghap ang sariwang simoy ng hangin at saka tahimik na umupo sa bangko. "Mabuti pa dito malamig samantala sa loob ubod ng init." Kausap ko sa sarili ko habang nakatingala sa makulay na langit. Itim na itim ang kalangitan pero napapalamutian naman ito ng makikinang na bituin. Biglang pumasok sa aking isipan ang nawawalang Tito ko. Hanggang ngayon ay malaking tanong pa rin ang biglang pagkawala niya. Totoo kayang may babae si Tito at nakipagtanan na siya? O baka naman may masamang nangyari sa kanya? Huwag

