Aubrey's POV "Ano ba! Bitawan mo nga 'ko!" Sigaw ko sa kay Zain. Pabagsak niya akong pinasok sa sasakyan niya. Umikot s'ya at sumakay sa driver's seat. Tahimik at walang kibo n'yang pinaandar ang sasakyan. Naguguluhan na ako sa kanya. Ang lamig ng pakikitungo n'ya sa'kin kanina pero ito na naman siya at lumalapit na naman sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bati ba kami o hindi. "Shut up." Malamig na sabi niya. Tahimik lang ako buong b'yahe. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Iniisip ko kasi 'yung ugali ni Zain na mas magulo pa sa penmanship ni Warren. Nagiging mabait na ba s'ya? Nang makabalik kami sa mansyon ay sinalubong kami ng mga katulong nila na inalalayan naman agad ako sa paglalakad. Si Zain naman ay parang walang nangyaring umakyat pataas. "Ate?" Tawag ko. "Bakit?"

