Tristan’s POV “BAKIT mo sinabi sa nanay ko ang tungkol sa kasunduan natin?!” Pigil ang paglakas ng boses ko nang tanungin ko si Monique habang nasa kusina siya at inaayos ang mga hinugasan niyang pinggan na ginamit namin sa pagkain ng hapunan. Hinawakan ko ang braso niya. Bago ko kausapin si Monique ngayon ay kinausap ko na kanina si mama. Binalaan ko siya kay Monique. Sinabi ko sa kaniya ang ugaling meron ito pero hindi siya naniwala. Ang akala niya ay pinagtatakpan ko lang si Agnes sa mga sinabi ko sa kaniya. Sa tingin ko ay masyado nang sarado ang isip ni mama at kay Monique na lang ito naniniwala. Kahit sa akin na sarili niyang anak ay hindi na siya naniniwala. Aniya, mas gusto pa niyang si Monique na lang ang asawa ko dahil sa mabibigyan daw siya nito ng apo kesa kay Agnes. Sinabi k

