Tristan’s POV MAG-A-ALAS KWATRO na ng umaga ako nakauwi sa bahay. Naabutan ko si Agnes na natutulog pa sa aming kama. Nakatayo lang ako sa pintuan at nakatingin sa kaniya. Patagilid siyang nakahiga at nakatalikod sa gawi ko. Naglakad ako papunta sa kaniya at humiga ako sa tabi niya. Niyakap ko siya mula sa likuran. Nagising siya at humarap sa akin. “Nakauwi ka na pala. Lasing ka ba? Amoy alak ka, e. Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape o punasan kita?” puno ng pag-aalalang sabi ni Agnes sa akin. Umiling ako at muli ko siyang hinila palapit sa akin. “Wala akong gusto. Dito ka lang. Tabi lang tayo…” Paglalambing ko sa kaniya. “I’m sorry kung naging selfish ako, Agnes. Kahit alam kong masasaktan ka sumiping pa rin ako sa ibang babae para lang sa anak na gusto ko. Alam ko, hindi sapat ang

