Sofia's POV
Pagkagising ko medyo madilim na din. Babangon na sana ako nang maramdaman ko na may nakadagan sa braso ko.
Pagkatingin ko si Jaden, nakaunan siya sa braso ko. Kumuha ako ng unan saka dahan-dahan inilagay sa ulo niya at kumuha pa ako ng panibagong unan para mayakap niya.
Bumaba na ako at nadatnan ko na lang si Jacob. Mukhang napansin niya yung presensiya ko kaya napatingin ito sakin.
"You're awake." Sabi nito.
Tumango ako. "Nasaan sina tita?" Tanong ko.
"Nasa garden sila." Sagot nito.
Hindi na ako umimik. Nagulat na lang ako ng hinila niya ako papuntang kusina at pinangkuha niya ako ng pagkain at hinila niya ulit ako papuntang dinning room at pinaupo niya ako at inabot sakin yung pagkain.
"Salamat." Pagpapasalamat ko saka ko inumpisahan kumain, pero natigilan ako nang nakatingin lang siya sakin.
"Ayaw mong kumain?" Tanong ko.
Umiling siya. "Busog pa ako." Sabi nito.
Itinapat ko sakanya yung kutsara na may pagkain at itinapat sa bibig niya. "Busog pa ako." Tanggi nito.
Umiling ako. "Dali na nangangalay na ako." Sabi ko.
Wala naman itong nagawa kundi ibuka ang bibig niya at tanggapin yung pagkain. "Kakain din pala. Pakipot." Pabulong na sabi ko.
"Ano? May sinasabi ka ba?" Masungit na tanong nito.
Umiling ako saka ngumiti sakanya. "Wala po." Sabi ko saka ipinagpatuloy yung kinakain ko sumakto naman na bumaba si Jaden na mukhang kakagising lang niya. Mukhang hindi niya pa kami nakikita.
"Mama." Tawag nito pero mukhang hindi niya pa din ako nakikita.
"Jaden baby. Dito." Sigaw ko.
Nang tumingin siya sakin ngumiti siya saka tumakbo papunta sakin pero napatingin din kaagad sa daddy niya.
"D-dad."
"Gusto mo nang kumain?" Tanong ni jacob sa anak niya.
Tumingin si jaden sakin at tumango ako, tumingin ito sa daddy niya. "Opo dad." Sagot nito.
Tumayo si jacob at ilan minuto lang bumalik ito at may dala nang pagkain. "Eat now."
Tumango si jaden at kumain na kaya ipinagpatuloy ko yung kinakain ko pero minsan sinusubuan ko si jacob para hindi lang siya nakatingin samin.
"Naging close ka na nang anak ko." Biglang sabi nito dahilan mapatingin ako sakanya.
Sinubuan ko siya ulit, aware naman kami na isang kutsara lang yung ginagamit namin pero mukhang wala lang sakanya. "Oo nga. Ikaw naman kasi minsan kailangan mong makipagbonding kay jaden, minsan maglaan ka nang oras para sainyong dalawa. Ipasyal mo." Suhesyon ko.
"Okay. I will spend my time together with my son. Pag hindi na ako busy. I will adjust my schedule for him." Seryosong sabi nito.
Ngumiti ako saka pinisil yung pisngi niya kaya suminangot siya bigla. "Good for you." Masayang sabi ko.
"Magiging masaya si jaden nyan." Nakangiting sabi ko sakanya.
Okay na yun para maging close sila, hindi yung madalang lang silang mag-usap at hindi yung mas kasama ako ni jaden kumpara sa daddy niya.