CHAPTER 18

854 Words
Matapos ng klasse, gaya nga ng inaasahan ko naghintay nga si jacob samin. Tinulungan niya din ako na maglinis ng classroom. Nang nasa parking lot kami pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Thank you." Pagpapasalamat ko sakanya. Inupo ko si jaden sa hita ko, nang makapasok si jacob sa driver seat biglang nagtanong si jaden sa daddy niya. "Saan po tayo pupunta dad?" Tumingin siya samin habang nagmamaneho. "Pupunta muna tayo sa puntod ng mommy mo bago pumunta sa Star City." Sagot nito bago tumingin sakin. "Okay po." Sabi ni jaden bago sumandal sa dibdib ko. "Okay lang ba mahal?" Tanong ni jacob. Pinandilatan ko siya dahil sa uri ng pagtawag niya sakin pero tumawa lang siya dahil sa ginawa ko. Ewan ko ba sakanya saan niya napupulot yung mga tinatawag niya sakin. "Okay lang, baka namimiss na din naman ni jaden yung mommy niya." Sagot ko habang nakatingin pa din sakanya. Ngumiti siya, napapansin ko na madalas na siyang ngumingiti siya ngayon. Hindi tulad noon na sobrang seryoso niya. Bigla ko tuloy hinaplos yung buhok ni jacob na may pagkakulot ng konti. "Bakit mahal?" Nagtatakang tanong niya. Umiling ako. "Hindi kayo magkatulad ng buhok ni jaden." Sambit ko. Natawa siya bigla. Ang gwapo at ang cute niya talaga ngauon sa paningin ko. "Magkabuhok sila ni christina, samantalang ako kabuhok ko si dad." Sabi nito habang nagmamaneho siya. Nang makarating kami sa Heaven's Cementery, dito pala inilibing noon si christina. Naglakad kami ng ilan minuto bago nakarating sa puntod ni christina. Ibinaba ni jacob si jaden at hinila niya ako papalapit sakanya at hinawakan sa bewang. Tatanggalin ko na sana yung pagkakahawak niya ng magsalita siya. "Don't be love." Sabi nito. Wala naman akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Umupo si jaden sa bermuda grass kaya umupo din si jacob at nagulat ako ng biglaan niya akong hinila kaya napaupo ako sa hita niya. "J-jacob." Mahinang tawag ko. Hindi niya ako pinansin, aalis na sana ako ng hinigpitan niya yung pagkakapit sa bewang ko. "Christina. Diba i promise that when i go back here kasama na si jaden at ang taong gusto kong makasama." Panimula nito at tumingin na ito sakin. Bakit niya ba to sinasabi? Ano bang gusto niyang iparating maliban sa nagwagwapuhan ako sakanya. "Bakit ba ang gwapo mo?" Ngumiti siya bigla. "I know love." Nakangiting sabi nito bigla tuloy akong nakabalik sa realidad. "Ah?" Tumawa lang siya. Ano bang sinabi ko sakanya? Napayuko tuloy ako dahil sa kahihiyan. Ano ba tong nasasabi ko, habang nagtatagal baka ano ng masabi ko sakanya. "Magsalita ka naman kay christina, love." Bulong nito. Naramdaman ko na lang na may dumampi sa leeg ko. "Ah?" Biglang sabi ko at tumingin ako sakanya at sinenyasan niya ako na magsalita. Tumingin ako sa puntod ni christina. "Don't worry ako na ang bahala sakanila, hindi ko sila pababayaan." Pabulong na sabi ko, pero alam ko na naririnig ako ni jacob. "Mommy. Thank you po dahil may mag-aalaga na po sakin pati kay dad pasabi din po kay lord thank you. Matagal ko na pong dinadalangin kay lord na bigyan ako ng bagong mommy. Binigay na niya po sakin." Nakangiting tumingin sakin si jaden kaya gumanti ako ng ngiti. "Ingat po kayo dyan mommy. Bantayan at gabayan niyo po kami. I love you." Sabi nito bago tumayo. "Tara na po dad." Sabi ni jaden at tinulungan niya akong makatayo habang si jacob naman tumayo na din at naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. 〰 Buong maghapon naglaro at sumakay din kami ng rides. Madilim na nung nag-aya na si jaden na umuwi. Pagkarating namin sa bahay nila pinagbuksan niya ako ng pintuan. Pumasok ako sa bahay nila habang buhat si jaden. Dahan-dahan kong hiniga si jaden sa kama niya at kinumutan siya. Naturn on ko na din yung aircon bago lumabas. Pagkalabas ko sa kwarto niya nagulat na lang ako dahil may humila sakin papunta sa isang kwarto. Alam ko sakanya to dahil medyo iba yung design ng kwarto. "Jacob. Bakit ka nanghihila?" Tanong ko ng makapasok kami sa kwarto niya. Pinaupo niya ako sa kama niya habang siya humiga siya, nakatingin lang siya sakin. "Wala lang. Gusto ko lang naman magpasalamat dahil sumama ka samin." Sabi nito. Ngumiti ako sakanya. "Wala yun, nagenjoy din naman ako na kasama kayo eh." Pagdadahilan ko. Hinila niya ako papahiga sa tabi niya at niyakap ako. "Bakit sinasanay mo ako na tawagin ako sa ganon jacob? Masasanay ako." Mahinang sabi ko habang nakikipagtitigan sakanya. Napapansin ko pa na napapatingin siya sa labi ko. "Gusto ko eh." Sabi nito. Napairap tuloy ako dahil sa sinabi niya. Nabigla ako ng biglang may lumapat sa labi ko ilan segundo akong natigilan bago pumikit at tumugon sakanya. "Love." Mahinang tawag nito sakin ng maghiwalay ang mga labi namin. "Hmmm?" "Nandito na tayo, ready ka ba? Promise panindigan kita." Paos na sabi nito. Hindi ako sumagot at hinalikan ko na lang siya bigla at nararamdaman ko na lang na tumutugon na siya sa halik ko. Sana nga lang tama tong ginawa ko na kaagad kong ibinigay sakanya, sana sa oras na to hindi na ako masasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD