Sofia's POV Nagising ako na wala si jacob sa tabi ko, siguro ay pumasok na siya. Sumakit ang katawan pati na din ang nasa ibaba ko, hindi ako tinigilan ni jacob. Naalala ko pa na hindi ito gumamig ng condom, baka mabuntis ako. Hindi naman sa natatakot ako na mabuntis kaagad pero syempre nagawa namin yun kahit na hindi kami mag-asawa. Paano na lang kung hindi lang pala ako yung babae na meron siya kahit na sinabi niya na wala pa ulit itong nagalaw na ibang babae. Napansin ko din na puro libro ang paligid ng kwarto ni jacob. Para itong version ng library. Umupo ako sa kama nito saka nagbihis. Sumakto naman na may kumatok sa pintuan matapos kong magbihis. Lumapit ako sa may pintuan at binuksan iyon, nasa harapan ko ngayon ay si tita aria. Bigla tuloy akong napayuko dahil sa kahihiyan.

