"HAPPY Birthday to you..." Masayang kinakantahan ng bisita ang Birthday celebrant ng Birthday song habang sinasabayan nila iyon ng palakpak. At dahil nakatingin siya sa Mama niya ay kitang-kita niya ang ngiti na nakapaskil sa labi nito sa sandaling iyon. Mababakas sa mukha nito ang saya habang pinapakinggan sila nito na kumakanta. "Make a wish, Mama," wika naman ni Daphne ng matapos sila sa pagkanta ng Birthday song. Hindi naman inalis ni Daphne ang tingin sa Mama niya nang makitang ipinikit nito ang mga mata habang nagwi-wish. At nang matapos ay iminulat nito ang mga mata at saka nakangiting inihipan nito ang candle na nasa ibabaw ng cake. "Happy Birthday, Darling," wika naman ng Papa sa Mama niya sabay halik sa labi ng Mama niya. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng matamis n

