LUMABAS si Daphne mula sa dining area ng matapos siya sa paghahain sa mesa. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa nakarating siya sa may living room sa bahay nila. At parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya ng madatnan niya si Alessandro at ang dalawang taong gulang nilang anak na lalaki na si Alexis na nakaupo sa sofa sa living room nila. Nakaupo ang anak sa kandungan ng Papa nito habang binabasahan nito ng story. At habang nakatingin siya sa mag-ama niya ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng napakatamis na ngiti sa labi niya. A perfect father to his son. Iyon ang nakikita at nararamdaman niya ng sandaling iyon. Mahigit dalawang taon na ang lumipas simula noong makilala ni Daphne si Alessandro. Hindi man maganda ang una nilang pagkikita pero naging worth it nam
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


