INALIS ni Daphne ang tingin sa harap ng kanyang laptop ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. At nang kunin niya iyon mula sa pagkakapatong niyon sa working table ay nakita at nabasa niya na si Alessandro ang tumatawag sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi ng mabilis niyang sagutin ang tawag nito. "Hello?" bati niya ng sagutin niya ang tawag nito. "Daphne," banggit naman ni Alessandro sa pangalan niya. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo ng may mabakasan siyang kakaiba sa boses nito sa sandaling iyon ng banggitin nito ang pangalan niya. Hindi lang niya mabigyan ng kahulugan kung ano ang kakaiba do'n. "Bakit?" tanong naman niya dito. She heard him sigh over the phone. "I'm coming back home," imporma naman nito sa kanya. Hindi

