NAKABIHIS na si Daphne nang bumaba siya ng hagdan ng mansion kinabukasan. Papasok na kasi siya sa trabaho ng umagang iyon. Pagkababa naman niya ay agad siyang dumiretso sa kusina. Ganoon lagi ang routine niya, kapag bumababa siya ng mansion ay doon lagi siya dumideretso. Wala naman kasi siyang ibang pupuntahan do'n maliban sa kwarto at sa kusina. Minsan sa Red room kapag dinadala siya ni Alessandro. At pagdating niya ulit sa kusina ay as usual ay nadatnan niya si Manang Delle. Dahil mayordoma ng bahay ay maaga din itong nagigising para siguraduhin na maayos ang lahat, magawa ng maayos ng mga kasambahay ang mga trabaho ng mga ito. May kanya-kanya din palang trabaho ang mga kasambahay do'n. May naka-assign sa kusina, taga-linis, at taga-laba. "Good morning po, Manang Delle," wika ni Dap

