"PASOK po," wika ni Daphne nang makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng opisina niya. At mayamaya ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto at sumilip do'n ang Mama niya. "Daphne, anak," banggit naman nito sa pangalan niya nang magtama ang mata nila. "Bakit po, Mama?" tanong naman niya dito. "It's already five. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng Mama niya sa kanya. Napatingin naman si Daphne sa wristwatch niya. At nakita niya na alas sinko na nga ng hapon, uwian na. Inalis naman niya ang tingin do'n at napatingin din siya sa ginagawa niya sa laptop niya. Hindi pa niya natatapos ang ginagawa niya, nakakalahati lang niya iyon. Matapos ang halos isang linggo ay back to work na si Daphne. Natambakan na din kasi siya ng trabaho, ina-update na din kasi siya ng mga kliyen

