TATLONG araw na ang lumipas simula noong malaman ni Daphne ang totoo sa pagkatao niya, nang malaman niya na hindi siya tunay na anak ng mga kinilala niyang mga magulang. Pero magkagayunman, kahit na alam na niya ang totoo ay hindi pa din nagbago ang pakikitungo niya sa mga ito. Her love for her parents is still the same. At ganoon din ang mga ito sa kanya. Mas ipinaramdam pa nga ng magulang niya kung gaano siya kamahal ng mga ito. Lalo na noong malaman din ng mga ito ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Alessandro, talagang naramdaman niya ang suporta ng mga magulang kahit na wala siyang kinu-kwento sa mga ito. Tatlong araw na ding hindi niya nakakausap at nakikita si Alessandro. Hindi dahil, hindi ito sumusubok na kausapin siya. Sa katunayan ay araw-araw nga itong nagpupunta sa bahay n

